Wait hindi to tungkol sa pag ibig ha.. Hehe ganito kasi yun minsan akong sumakay sa isang pang pasaherong jeep.. Kada hapon nagpupunta ako sa abangan ng papunta sa lugar namin my isang jeep na kulay pula ang madalas kong masakyan pero yung pulang jeep din nayon ang lagi kong iniiwasan,ewan ko ba nakakatakot at nasasaktan kasi ako sa tuwing maalala ko yung jeep nayon..madami nadin ang pasaherong sigurado nakakatanda sa pulang jeep nayon na sa tuwing masasakyan ko ako lang ata ang hindi MAUUNTOG! Grabe bawat ata sumakay sa jeep nayon matangkad man o maliit sigurado matitikman ang bagsik ng pinto pag pasok..kahit ipikit ko ang mata ko rinig ko parin ang bawat UNTOG ng ulo ng bawat pasahero..pakiramdam ko kada my mauupo at bababa sa jeep nayon nakakakita ng star na umiikot kagaya ng mga napapanuod ko ..yung iba nga kina katok yung bababa nila parang yung ginagawa ng mga bata pag nahuhulog sila sa kung saan.hehehe kaya simula ngayon hindi nako sumasakay sa jeep nakaktakot baka ako naman yung mabiktima...kaya dapat laging mag iingat :)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento